Di ‘ko alam kung pa’no sisimulan ‘tong kalokohang ‘to.
Basta, ako si Mildred Collantes. Mico na lang tawag mo sakin. Mas sanay kasi ako dun. 17 na taon na kong nakikipagsapalaran sa mundong ‘tong. Ilang beses nang umiyak, tumawa, nagalit at nagutom. Hahahaha!
Minsan mataray ako. Minsan naman super feeling close. Ngayon, lagi na kong nagpipigil ng galit eh. Wala naman kasing nangyayaring maganda, eh. Pero ‘pag nagalit ako, wala, damay damay na lahat.
Computer Engineering course ko sa PUP Sta. Mesa. Magsesecond year na ko. Member ako ng CE-MIT, organization yun na may kinalaman sa course ko. Kaya CoE ‘yung kinuha ko, eh dahil nung mga panahong pipili na nang course, wala pa akong mapili. Sakto naman na ‘yung crush ko, CoE ‘yung course kaya ginaya ko na lang. Ngayon, nag-eenjoy naman ako.
Single ako, eh. Hahahaha! Pero may mahal ako. Pero hindi kami. FWB. Hahahaha! Sa ngayon, dumadaan kami sa isang pagsubok. Isang napakatinding pagsubok. Sana nga makayanan namin eh.
Ayun. Sana wag mo kong husgahan kagad. Hahaha. Pero ikaw bahala. Buhay mo naman yan eh. Kung san ka masaya, suportahan kita. Hahahaha!
Ge. Ingat!