“Hahaha. May ipis! Pinatay ko baka makagat ka, tapos nadamay ka sa hampas ko, dinala kita sa ospital. Tapos inalagaan kita, nacomatos ka, di kita iniwan, binantayan kita tapos hawak ko lang kamay mo, tapos nagising ka, pag gising mo, nagulat ka andun pa rin ako. Yun pala, 50 yrs na nakalipas tapos nagkiss nalang daw tayo with dila saka laway, tapos hiniga kita sa bed, straight at relax. Tapos… RATED SPG”
Oh naaalala mo pa ba yan? Yan yung pinakalumang text mo na nakasave sakin, eh. Naalala mo pa mga kagaguhang usapan natin dati? Anything under the sun. Nagkukwento ka pa ng kung ano ano, kahit pati dati mong lovelife saka kamanyakan mo. Hahahaha. Suriii.
Eh ayun, nairaos din. Isang taon na. Oh tapusin na natin to? Hahahaha dyoks lang. Mwah.
Pero eto seryoso, salamat ng madami. Isa isahin ko pa ba? Baka bukas ka pa matapos? O baka umiyak ka na dyan? Hahahahaha. Salamat unang una, para sa pagmamahal mo. Yung tipong sinamahan mo ko mag-ayos ng scholarship. Natatandaan ko yan kasi sobrang… ewan? Bat mo ba kasi ako sinamahan, di naman kita tatay? Crush mo ko nuh? Hahahaha. Salamat sa laging pagbibigay ng oras sakin. Oo minsan nakukulangan ako sa oras, pero thankful ako kasi kahit busy ka, hindi mo kinakalimutan na nandito ako. Salamat kasi nakikita ko yung effort mo para pasayahin at alagaan ako. All in one ka na, sa totoo lang. Tatay, tropa, kaaway, presi, labidabs. Salamat. Salamat sa lahat ng experiences, hindi ko makakalimutan yun. Ay salamat din sa kasweetan. Sana mapanatili natin yan as long as possible nuh.
Eto naman, pasensyaaaa. Pasensya sa lahat lahat lahat lahat lahat. Sa mga kalokohan ko, sa pabago bagong isip ko. Di ko naiisip nasasaktan na kita. Ayoko yun. Ayokong nakikita kang umiiyak kasi naiiyak din ako. Kaya pasensya. Kung minsan nagseselos ka, sana wag na. Kasi ikaw lang naman mahal ko eh. Kahit landiin pa nila ko, wala sila. Di ka nila mapapalitan. Kaya chillax ka lang dyan, panoorin mo lang kung pano sila mainggit sayo. Kasi you have someone they can not have. Ako yun. :) Pero syempre, pasensya din kasi ako, nagseselos din. Hahahaha. Ikaw sinasabihan ko wag magselos pero ako nagseselos eh nuh. Wala eh. Ganun talaga. Di na maiiwasan yun. Sorry. Mahal lang talaga kita kaya ganun. Ayoko kasing may ibang lumalapit sayo. Baka kasi… baka kasi sa mga simpleng biruan niyo, dun magsimula yung panlalamig mo sakin, tapos mahulog ka sa iba. Ayoko yun. Iiyak ako.
Sana tayo lang. Hindi ko maipapangakong lagi akong mabait, laging nakatawa, laging okay. Hindi ko maipapangakong hindi ako magagalit, maiinis, maasar at magseselos. Hindi ko maipapangakong magiging perpekto akong babae. Dahil alam mo namang hindi. Hindi ko masasabing hindi ako magtatampo sayo paminsan. Alam mo namang matampuhin ako. Hindi ko maipapangakong lagi akong maganda, laging maayos, laging may breeding, laging may poise, laging presentable, laging okay. Kasi paminsan, tamad ako, burara, walang modo, walang hiya, selosa, tarantada, gaga, baliw, lasengga, patay gutom, masama ugali, snob, mataas ang pride. Pero sana, sana maintindihan mo ko at wag kang magsawa sa ugali ko. Ginagawa ko naman yung best ko para hindi kita masaktan. Ayun. Ayoko man tong sabihin kasi alam ko, pambata to. Pero sana, sana tayo na forever.
Mahal na mahal kita. ♥